Saturday, November 7, 2009
PHOTOGRAPHY.
Makapagbagbagdamdaming Mga Sagot.
Bakit nga ba lumubog ang Pilipinas?
- Ang Pilipinas ay lumubog sa baha dahil na siguro sa kawalan ng malasakit ng mga Pilipino sa ating bayan. Hindi kasi iniisip ng bawat tao ang aksyon na kanilang ginagawa. Natural na kasi na gumawa na lamang ng kung anu-ano ang mga tao. Magtapon ng basura, ganito ganyan, makadudulot ito sa paglala ng global warming na alam natin na masama, sa isip kasi nila “ayos lang iyan. Wala naming mangyayari sa akin.” At nakakainis na marinig na matapos ang bagyong dumaa’y puro reklamo ang natanggap ng gobyerno at PAGASA sa mga tao. Sinisisi nila ito dahil hindi man lang daw nagpasabi ang mga ito’t sa panahon ng kalamidad ay mabagal daw ang rescue operations. Wala man lang taong napagtantong tayo rin ang may sala sa pangyayaring ito na ang mga pangyayaring ito ay simula na ng ating ginawang pagsira sa mundo.
Ano ang pwedeng solusyon?
- Ang paglubog na ito ay lubos na nakababahala, at hindi na imposibleng maulit pa ito. Kaya naman nararapat na maghanap ng mga solusyong dapat nating gawin upang hindi na lumaki pa ang problema nating ito. Ano ang maaari nating gawin? Una’y nararapat nating isaisip na kailangang magkaroon tayo nang matinding pagmamalasakit para sa ating bansa, sa ating mundo. Kung atin itong gagawin magiging matatag ang ating pagpupursiging tulungan ang ating mahal na Pilipinas. Ikalawa, nararapat na nating gumawa ng aksyon. Bawasan ang mga gawaing nakasasama sa ating paligid. Kailangan din nating suportahan ang mga kampanya laban sa pangaapi sa mahal na kalikasan. Ikatlo ay ang pananampalataya sa Diyos. Hindi natin dapat inaalis ito sa anumang mga oras o panahon. Dahil siya pa rin sa huli ang mamumuno ng lahat.
Sinong tao ang pwedeng tumulong?
- Sa mga panahong ito, sino na nga ba ang ating madedependehan? Kailangan natin ng tulong. Sa aking palagay, una na nating dapat na hingan ng tulong o magkaroon ng sariling pagpapasyang tumulong ay ang pangulo natin ngayon. Si Gloria Macapagal Arroyo. Siyempre, pangulo natin e. Siya ang may responsibilidad na maglakas loob na tumayo at irepresenta tayo kahit tayo’y lubog at hirap na hirap na. Maraming mga kritiko na lubos na dinudurog ang ating pangulo, ngunit, ano nga bang magagawa ng kanilang mga pinagsasabi? Alam na naman nating wala na talaga siyang balak bumaba. At tapusin na lamang ang kanyang termino. Kaya kaysa naman ating kaawayin ng kaawayin ang presidente natin, bakit hindi na lamang natin sya suportahan sa lahat? Isa pang taong maaaring makatulong ay si AKO. Tama, ang sarili natin. Ang sariling pagnanais na makatulong ay lubos na kinakailangan. Kapag ang lahat ay nagsamasama panigurado’y makakamtan din natin angtagumpay sa paghanap ng solusyon. Isang halimbawa na ng pangyayaring makakapagpatunay dito ay ang pagbabayanihang ipinakita ng sambayanang Pilipino matapos salantain ng Bagyong Ondoy ang Pilipinas. At ngayon? Pabangon na muli tayo, dahil sa pagtutulungan. Ito ang aking mga nakikitang mga tulong sa atin tungo sa pagpigil sa mga sakunang ito.